Mahigit 20 maliliit na mangingisda sa Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Paeng noong nakaraang taon, nakatanggap  ng tulong mula sa BFAR

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nasa 24 na maliliit na mangingisda mula sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Paeng noong nakaraang taon.

Ginawa ang distribution kahapon sa BFAR Provincial Office sa bayan ng Mercedes kung saan ang mga nabiyayan ay ang ilang maliliit na mangingisda mula sa Sta Elena, Jose Panganiban, Paracale, Mercedes, Vinzons at Talisay.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam, kaunti lang ang nabigyan dahil ito lang ang mga LGU na nakapagsumite  agad ng report sa ibinigay na cut- off time.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng mga gamit sa pagkumpuni ng kanilang mga nasirang bangka tulad ng plywood, pako at epoxy.

Mayroon umanong katuwang na ahensiya ang BFAR sa pagbibigay ng tulong na nag o- offer ng immediate assistance.

Nilinaw rin ni Tiam na walang ibinigay na assistance sa commercial fishers kundi pa lang sa mga maliit na mangingisda.

Karamihan pa rin umano sa mga marginal fisher ay plywood pa ang gamit na bangka maliban sa mga unang napagkalooban rin ng BFAR ng fiber glass boat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *