NAGA CITY – Mahigit 20 mga empleyado ng LGU-Naga mula sa job order at contractual ang nag-resign sa kanilang trabaho sa city hall dahil kandidato sa Barangay at SK Elections.
Sa kabila nito, muling nilinaw ng City Government na hindi naman apektado ang mga naiwang trabaho ng mga ito dahil sa naghire naman agad ng maipapalit batay sa mga naka line-up na mga applikante.
Ayon kay City Administrator Elmer Baldemoro, halos lahat naman ng mga nag-resign at nagkakandidato ay dati ng mga barangay opisyal o kaya naman sangguniang kabataan member.
Karapatan naman aniya ng mga ito ang muling maghagad ng puwesto sa barangay subalit kailangan na mag-resign sila sa trabaho.
Sa pahayag niya sa Brigada News FM Naga,sinabi ni Baldemoro na puwedeng makabalik pa naman ang mga ito kung hindi papalarin sa politika at kung may bakante pang trabaho sa city hall.
Hangad ng City Government na maidaos ang halalan na walang anumang isyu at kontrubersiya.