Mahigit 200 indibidwal inilikas sa isang barangay ng Mercedes dahil sa masamang lagay ng panahon

CAMARINES NORTE- Nagpatupad na  ng pre- emptive evacuation ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula kahapon bilang paghahanda sa bagyong Paeng.

Sa datos ng MDRRMO mayroon nang mga evacuees sa Barangay Lanot na umaabot sa 221 indibidwal na kinabibilangan din ng mga bata, Senior Citizen at buntis.

Inaasahang madadagdagan pa ito pag nagpatupad na rin ng pre- emptive evacuation ang iba pang mga barangay.

Nag ikot naman si Mayor Alexander Pajarillo sa iba’t- ibang Barangay ng naturang bayan upang alamin ang paghahanda ng mga ito.

Samantala, na- rescue ng Mercedes Emergency Response Team ang apat na mangingisda makaraang lumubog ang sinasakyang bangka malapit sa Apuao island sa Mercedes, Camarines Norte dakong alas 2 ng hapon nitong Huwebes, October 27.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kinilala ang mga ito na sina Dennis Yanto 28, Louie Teope, Rolan Teope 24, at Mark Dela Pena.

Wala pang detalyeng ipinapalabas ang MDRRMO ukol dito.

Nakaranas naman ng power service interruption ang ilang barangay lalo na sa coastal ng Mercedes dahil sa masamang lagay ng panahon simula pa noong Miyerkules.

Umapaw din ang tubig sa spillway ng Barangay Pambuhan dahilan para hindi ito madaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *