Mahigit 200 kanang pares ng mga sapatos, ninakaw ng mga kawatan sa Peru

KASALUKUYANG pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa bansang Peru ang grupo ng mga kawatan na nanloob kamakailan sa isang tindahan ng sapatos sa nasabing bansa.

Ang nakakatwa, pawang mga kanang pares ng aabot sa mahigit 200 sapatos ang kanilang ninakaw kung kaya’t hindi naman nila ito mapapakinabangan.

Sa salaysay ng may-ari, nagawang sirain ng mga salarin ang padlock ng tindahan kung kaya’t nakapasok ang mga ito sa loob, ngunit nagkataon na ang mga nakalabas na display ng sapatos ay pawang mga kanang pares dahil nakatakda rin ang mga itong i-display para sa isang fair.

Sa kasalukuyan, hindi pa tukoy ang mga salarin ngunit patuloy na nag iimbestigas ang mga pulis   sa tulong na rin ng iniwan nitong finger prints. | JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *