Mahigit 200 kilo ng tilapia inani ng Samahan ng Mangingisda at Magsasaka

Nakapag-ani ng mahigit dalawang daang kilo ng tilapia ang Samahan ng Mangingisda at Magsasaka ng Nampicuan sa Nueva Ecija.

Ito ay mula sa programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development.

Ang mga tilapia ay naibenta sa farm gate price na isandaang piso kada kilo sa mga buyer na nasa lugar rin nang isagawa ang pag-harvest.

Kaugnay nito, hinikayat pa ng BFAR ang mga benepisyaryo na sumubok ng iba pang polyculture ng giant fresh water para dagdag kabuhayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *