Mahigit 200 mag-asawa mula sa iba’t ibang lugar sa  Albay, dumalo sa isang selebrasyon ng kanilang ika-50 taon ng kasal

LEGAZPI CITY – Ito na ang ikalawang taon o 2nd time around na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang “May Forever sa Albay” sa Albay Astrodome, kung saan ipinagdiriwang ang ika-50 taong pagsasama ng mga mag-asawa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BM Glenda Bongao, Committee Chairman on Women, Children and Family. sinabi nito nasa 319 na mag asawa ang dapat dadalo sa nasabing aktbidad ngunit ang dumating lamang sa kasalanan ay nasa 269 na couples na para sa kanilang selebrasyon na 50 taon ng kasal o Golden Anniversary.

Ayon kay Bongao, hindi na pinapunta sa kasalanan ang mga bed ridden o nakawheelchair na mag-asawa dahil sa kanilang kalagayan.

Layunin nito ay para palakasin ang bawat pamilya ng mga Albayano o mag-asawa at mabigyan ng cash incentives na aabot sa P10K bawat pamilyang na nakaabot sa nasabing anibersaryo.

Lahat umano ay nangangarap rin na maabot ang ika 50 taon na anibersaryo ngunit may mga pamilya rin na hindi na nakakarating dahil sa nauuwi na ito sa paghihiwalayan.

Mahirap at bibihira na lang kasi sa bawat pamilya ang nakaabot nito 50years of marriage dahil maaari sa kanila ay nauna nang maalam o hindi maganda ang kanilang pagsasamahan.

Sinabi ng opisyal, para maabot ang golden anibersaryo ay panatilihin ang kanilang pagmamahalan, maayos na kalusugan at ipaglalaban ang kanilang pagsasamahalan kahit anumang pagsubok na dumating sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *