Mahigit 200 mga PDLs, pinalaya ng BuCor

Pinalaya ng Bureau of Corrections ang 234 na mga persons deprived of liberty (PDLs) ngayong araw.

Sa naturang bilang, 106 ang nakalaya matapos mabigyan ng parole; 104 ang nakapagsilbi na ng maximum sentence sa ilalim ng good conduct time allowance o GCTA; habang may 12 mga na-acquit.

Kabilang sa mga na-release ng BuCor ay 128 na mga PDLs mula sa New Bilbiid Prison; 47 mula sa Davao Penal Colony; 16 sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; 12 sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro; pito sa Leyte Regional Prison; at tatlo mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

Sa pagharap ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang sa mga pinalayang PDLs, tiniyak nito ang pangako ni Justice Secretary Boying Remulla na magkakaroon ng reporma sa penitentiary, at masusundan pa ang mga mapalalayang mga inmates.

Inanunsyo rin ni Remulla ang mga hakbang para sa planong decongestion sa mga correcitonal facility, at ang target nitong pagpapaluwag sa Bilibid bago mag 2028.

Umapela naman si Public Attorneys’ Office (PAO) chief Persida Acosta sa mga napalayang PDLs na tuluyan nang magbago at huwag nang bumalik pa sa kulungan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *