Mahigit 200 paaralan sa bansa, nawasak ng pananalasa ng Bagyong Paeng

Aabot sa mahigit dalawang daang paaralan sa bansa ang mayroong naitalang  pinsala bunsod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa isang panayam, iniulat ni Atty. Michael Poa, spokesperson ng Department of Education (DepEd) na nasa 261 na paaralan ang may naitalang infrastructure damage kung saan 381 na classrooms ang totally damaged.

Posible naman daw na tumaas pa ang nasabing bilang kasabay ng nagpapatuloy na assessment ng ahensya sa iba’t-ibang lugar.

Samantala, aabot naman sa 617 na mga paaralan ang kasalukuyan pa ring ginagamit bilang evacuation center.

Kaugnay nito, sinabi ni Poa na maraming mga paaralan ang hindi pa mabakabalik sa face-to-face classes at hindi makakapagsagawa ng full implementation nito ngayong araw.

Ayon kay Poa, para sa mga eskwelahang apektado ng bagyo, ipatutupad nila ang alternative delivery mode, kung saan pasasagutan na lamang muna sa mga estudyante ang kanilang mga module sa bahay.

Sa oras naman daw na maayos na ang sitwasyon sa mga paaralan ay saka lamang din sila lalahok sa mandatory in-person classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *