Mahigit 200 pamilyang biktima ng magkakasunod na bagyo noong 2020, benepisyaryo ng pabahay sa isang first class subdvision sa Albay

BICOL—Umaabot sa 213 pamilya sa lalawigan ng Albay ang makikinabang sa proyektong pabahay sa isang bagong develop na subdibisyon sa bayan ng Guinobatan.

Galing ang mga pamilyang ito sa mga barangay ng San Rafael, Travesia, at San Francisco na karamihan ay mga biktima ng apat na magkakasunod na bagyo noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang mga pamilyang ito ay mahigit isang taon ding nanuluyan sa mga evacuation centers na itinalaga ng lokal na pamahalaan ng ng Guinobatan habang ginagawa ang kanilang permanenteng mapaglilipatan.

Mahaba ang naging proseso sa paghanap ng lugar para sa relokasyon dahil ikinonsidera rin ang paglayo sa mga ito sa mga panganib tuwing may kalamidad gaya ng lahar mula sa bulkang Mayon na siyang tumabon sa mga bahay ng ilan sa mga benepisyaryo.

 Ibinida naman ni Albay Governor Al Francis Bichara na isang first class subdivision ang lilipatan ng mga ito sa kanilang magiging panibagong buhay sa kanilang mga bagong bahay.

Naisakatuparan umano ito sa tulong ng bagong binuong departatmento na Provincial Home Settlement Office (PHSO) na siyang pangunahing tanggapan sa kapitolyo na nag-asikaso para sa resettlement ng mga displaced residents matapos ang magkakasunod na kalamidad noong 2020.

Kaugnay nito ay nai-award na sa mga benepisyaryo ang sertipiko bilang katibayan na sila ang maninirahan sa mga bagong unit ng bahay sa nasabing resettlement site.### |slm

Leave a Reply

Your email address will not be published.