Mahigit 200 piraso ng pako, turnilyo, bote at barya, nakuha mula sa tiyan ng isang lalaki sa Turkey

Turkey—Isang lalaki sa bansang Turkey ang isinugod sa ospital, matapos itong makaramdam ng labis na pananakit ng tiyan o “abdominal pain.”

Dahil dito, isinailalim ang pasyente sa endoscopy at x-ray at doon nadiskubre ng mga doktor na mayroong 233 uri ng metal ang nasa loob ng tiyan nito.

Dahil lubhang delikado, maagap na ginawa ng mga surgeon ang operasyon sa lalaki kung saan nila nakuha ang iba’t-ibang uri ng metal sa tiyan nito gaya ng mga barya, pako, mayroon ding mga bato, bote, turnilyo at iba pa.

Ayon kay Dr. Binici – isa sa mga surgeon na nagsagawa ng operasyon, labis nilang ikinagulat ang kanilang mga nadiskubre sa tiyan ng pasyente habang inihayag nito na tinamaan ng dalawang pako ang “stomach wall” nito kung kaya’t patuloy nilang inoobserbahan ang kalagayan ng lalaki.

Wala pang eskaktong kasagutan kung bakit ang mga ito nilulon ng pasyente kung kaya’t nakatakda rin umano itong isailalim sa “psychiatric evaluation” ng mga eksperto sa pag-iisip.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.