Mahigit 2,000 TUPAD beneficiaries  sa Camarines Sur nakatanggap na ng kanilang benepisyo

CAMARINES SUR- 2,122 mga Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced  o TUPAD Workers mula sa 3rd, 4th at 5th Dictrict ng Camarines Sur ang nakatanggap ng kanilang benepisyo  sa nagdaang Launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Nabua.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol umabot sa P8.6 milyon ang pondong nailabas para rito kung saan pinangunahan ni Secretary Bienvenido E. Laguesma at mismong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pay out nitong Setyembre 23, 2023.

Sa pahayag ng DOLE Bicol , sinabing ang bawat benepisyaryo at tumanggap ng partial amount na  P1,825 para sa  5-day work. Dagdag na P1,825 kung tapos na ang 10-day at makompleto na rin ang P3,650. Nabigyan din sila ng  personal protective equipment (PPE), GSIS insurance at iba pa.

Isa sa mga nakatanggap si Tatay Apollo Reguivar  ng Balatan, Camarines Sur, sinabi nito Brigada News FM Naga na malaking tulong ang programa ng DOLE lalo na ngayong mabigat sa bulsa ang mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *