Mahigit 200K na personahe sa edukasyon, natanggal – PSA

SORSOGON CITY – Ang sektor ng edukasyon ang naitalang may pinakamababang labor force participation batay sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula buwan ng Pebrero hanggang Marso nang kasalukuyang taon.

Ito’y resulta ng pagkakatanggal sa trabaho ng ilang teaching and non-teaching personnel lalo na sa pribadong sektor kung saan halos umabot ito sa 248,000.

Sa ginanap na Virtual Press Conference nitong nakatalikod na araw, nagbigay ng detalye si PSA USEC Dennis S. Mapa ng ilan sa mga dahilan kung bakit ganito ang resulta.

Aniya, ang pagbaba ng partisipasyon sa labor force ng nasabing sektor ay dahil sa naganap na pagbabawas ng mga aktibidad sa klase ng mga unibersidad at iba pang paaralan kabilang na ang mga eskwelahan sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pakahulugan ng gobyerno, kikilalanin ka lang na “unemployed” kung ika’y: 15-anyos pataas na walang hanapbuhay, maaaring magtrabaho at naghahanap ng trabaho o hindi naghahanap ng trabaho dahil sa mga “valid reasons.”

Ang Philippine Statistics Authority ay ang “central statistical authority of the Philippine government on primary data collection.’’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *