Mahigit 22k na pulis, ipakakalat ng NCRPO sa SONA ni PBBM

Mahigit 22 libong mga pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kayNCRPO chief at Task Force SONA commander Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang bilang ay kinabibilangan ng 17,971 na opisyal mula sa Metro Manila, 1,879 mula sa mga police regional offices, kabilang ang Central Luzon at Calabarzon, at 2,771 mula sa iba pang mga ahensya ng gobyerno

Bukod pa aniya sa security task force sona 2024 ay magkakaroon din ng sub-task groups na pamumunuan naman ng limang district directors sa Metro Manila, habang mag-aalok din ang mga ito ng medical assistance katuwang ang public at private organizations.

Samantala, bilang bahagi pa rin ng kanilang paghahanda ay magkakasa rin ang NCRPO ng mga simulations na layon namang alamin ang magiging effectivity ng kanilang inilatag na preparasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *