Mahigit 25-libong pamilya naapektuhan ng pababaha sa Camarines Sur

NAGA CITY- 25,182 na pamilya o umabot sa 93,136 individuals ang apektado ng pagbabaha sa Camarines Sur dahil sa Bagyong Amang; 2,555 pamilya rito o 12,006 katao inilikas.

Ang mga ito ay nanatili sa mga Barangay Hall, Daycare Center, KaBarangay Shelter, Sports Complex at ilan pa.

Nagpaabot naman ng ayuda ang Provincial Government at LGU.

Ito ay batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC kaninang umaga. Sa kabuohan 18 mga bayan ang binaha kasama ang mga nasa tabi ng Bicol River at mga sakahan.

Ngayong kahapon unti-unting humuhupa ang tulad sa San Fernando, Pasacao, Milaor at mga karatig bayan.

Ayon kay Mayor Anthony “labas” Reyes ng Milaor, baha man sa mga komunidad passable naman ang National Highway.

Hindi na rin aniya tumatagal ng ilang araw ang tubig sa mga kabahayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *