Mahigit 26 katao, nasawi dahil sa malakas na pagbaha sa India

Nasawi ang nasa mahigit 26 katao dahil sa monsoon flooding at lightning strikes sa India bunsod umano ng pabago-bagong klima.

Ayon sa disaster management authorities ng northeastern state ng Assam sa India, tatlong katao ang namatay dahil sa landslides doon.

Sinabi naman ni local disaster management minister Renu Devi, na nasa 17 katao ang tinamaan ng kidlat sa eastern state ng Bihar.

Samantala, nasa 100,000 ang mga residente doon ang inilikas na at dinala sa mga relief shelters upang masiguro ang kaligtasan. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.