LEGAZPI CITY – Mahigit 26,000 o kabuuang bilang na 26,731 na mga alagang hayop sa lalawigan ng Alba yang inaaasahang maaapektuhan kung sakali mang itaas na ang Bulkang Mayon sa Alert Level 4-5 status ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).
Sa datos ng APSEMO, mahigit 1,000 o katumbas ng 1,462 na mga magsasaka naman ang apektado rito.
Maliban dito nasa 1,967 na ektarya ng lupang sakahan o farmland ang inaasahan nilang maaapektuhan kung sakali mang pumutok ang bulkan o magtaas ng alert level.
Samantala, sa ngayon, mayroon nang nailikas na 1,113 na mga ruminants o mga hayop tulad ng kalabaw, baka at kambing dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ayon sa Provincial Veterinary Office.
Pag-aari umano ito ng aabot sa 460 na mga magsasaka, habang mayroon naman na ngayong 20 pulling sites mula sa target na 30.