Mahigit 290 students nabigyan ng Educational Assistance ng Owwa Bicol

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 290 ang natulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa Project EASE o (Educational Assistance through Scholarship in Emergencies) na anak o kapatid ng isang Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Rowena Alzaga, ang Regional Spokesperson ng nasabing ahensya, aabot sa 298 ang natulungan na anak o kapatid ng OFW na nag-aaral kung saan makakakuha ito ng P10K sa bawat taon.

Aniya, tanging makakaavail ng programa ay mga OFW na umuwi na sa bansa matapos mawalan ito ng trabaho.

Hahanapan din ito ng requirements tulad ng plain ticket, Valid passport ng OFW, Official Receipt o iba pang proof of OWWA membership para sa validation at marami pang iba.

Ayon pa sa OWWA ang pagsumite ng mga kaukulang mga requirements ay sa pamamagitan ng kanilang website Online.

Nasa 298 lamang allocation sa nasabing rehiyon kung saan aabot na rin sa P2, 980, 000.00 ang nailabas na pondo ng OWWA simula noong Nov, 2020 hanggang sa kasalukuyang taon.

Sinabi ng opisyal, naghihintay pa rin ang tanggapan ng karagdagang pondo mula sa central office ng OWWA para sa mga nagnanais makakuha ng programa na Project EASE.

Dagdag pa nito may mga iba pang programa na maaaring makakuha ang isang OFW tulad ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Program (BPBH), Welfare Assistance Program (WAP) para sa Bereavement and medical assistance, TABANG program at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *