Mahigit 2k pasahero, stranded sa mga pantalan sa Luzon, Visayas dulot ng #JolinaPH

Umabot na sa 2,647 ang mga stranded sa iba’t-ibang pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Jolina.

Sa datos ng Philippine Coast Guard, pinakaraming stranded sa tatlong pantalan sa Eastern Visayas na umabot sa 1,568.

Sa Bicol Region naman, may 530 na stranded habang sa Western Visayas ay may 390 at 159 naman ang stranded na pasahero sa Southern Tagalog.

May 26 na barko at 7 motor banca ang hindi pinayagang maglayag habang nasa 67 mga sasakyang pandagat kabilang pa ang 52 mga motor banca naman ang dumaong at sumilong muna para makaiwas sa hagupit ng bagyong Jolina sa laot.

Sa kasalukuyan ay maalon ang mga karagatan sa malaking bahagi ng bansa dahil nga sa naturang bagyo. //MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *