Mahigit 3.7 million PhilSys registrants, nabigyan na ng bank accounts

Nasa mahigit 3.7 million bank accounts na ang nabuksan simula nang umpisahan ang registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa buong bansa.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, aabot sa 26 million na pamilyang Pilipino ang target nilang mabigyan ng access sa nasabing bank accounts.

Aniya, malaking tulong ang mga bank accounts sa mga posibleng subsidies o ayuda na ipapamahagi ng gobyerno sa susunod na taon.

Sinabi pa ng opsiyal na, makakatulong din ang PhilSys registry sa mahusay at epektibong pamamahagi ng karagdagang social transfer ngayong panahon ng pandemya.

Bukod dito, maaari rin aniya itong makatulong sa distribusyon ng mga bakuna sa general population ng bansa.

Sa ngayon ay umaabot na sa 36,047,288 na indibidwal ang nakakumpleto sa Step 1 registration sa PhilSys simula nang umpisahan ito noong October 2020.

Mababatid na gagamitin ang national ID bilang proof of identity ng isang indibidwal upang mapabilis ang mga transaksyon nito sa mga sangay ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *