Mahigit 3 milyong Pilipino, bakunado na vs. COVID-19- Galvez

Pumalo na sa mahigit tatlong milyong Pilipino ang nabakunahan na laban sa COVID-19. 

Batay sa report ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte, 2,282,273 Pinoy na bahagi ng A1 hanggang A4 priority groups ang nabakunahan na as of May 16.

Habang mayroong 719,602 Pinoy na kasama sa parehong vaccination groups ang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines. 

Kaya naman umabot na sa 3,001,875 mga Pilipino na ang nabakunahan laban sa virus at optimistiko ang vaccine czar na kaya pang mapabilis ng gobyerno ang vaccination program. 

Sa parehong briefing, sinabi rin ni Galvez na nakapagbakuna ang national government ng isang milyong Pilipino sa loob lamang ng 17 araw ngayong Mayo. 

Dagdag ni Galvez, sa ngayon, nakapag-deploy na ang bansa ng 7,149,020 vaccines mula sa kabuuang 7,779,050 at umabot na sa 3,784 ang inilatag na vaccination sites.

Kasalukuyang binabakunahan ng gobyerno ang medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities, at mga economic frontliners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *