Mahigit 30 examinees ng Midwifery Licensure Exam sa Koronadal, ‘di pina-exam dahil ‘di nakapag-booster shot

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa 30 mga examinees ng Midwifery Licensure Exam sa Koronadal ngayong araw ang pinalabas at hindi pina-exam dahil sa hindi umano nakapag-booster shot sa laban sa Covid-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Mary Rose Bonita, residente ng General Santos City, isa sa mga hindi naka-take ng exam, sinabi nito na nakapasok na siya sa testing center sa University of the Philippines Manila – School of Health Sciences Koronadal ngunit pinalabas umano ang mga hindi naturukan ng booster shots laban sa Covid-19 at isa na siya rito.

Paliwanag ni Bonita na kumuha na ito ng exam noong nakaraang taon gamit lamang ang kanyang fully vaccination card bilang isa sa mga requirements at pinayagan naman ito.

Ngunit hindi umano ito nakapasa, dahilan kung bakit mag-eexam sana ito ulit sa ngayon.

Naging emotional naman ang mga examinees sa sitwasyon dahil wala silang nagawa sa insidente.

Ayon naman sa inisyal na sagot ng Professional Regulation Commission o PRC Region-12 na national policy ang pagkakaroon ng booster shots o pag-presenta ng negatibong RT-PCR test sa mismong araw ng exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *