Mahigit 30-taon na paghahari ng Pilipinas sa SEA Games basketball, tinuldukan ng Indonesia

Matapos ang mahigit tatlong dekadang paghahari sa men’s basketball sa South East Asia yumuko at tinanggalan ng korona ang Pilipinas ng koponan mula sa Indonesia.

Nagpa-ulan ng 3-point shot ang Indonesia upang angkinin ang panalo sa gold medal match laban sa Gilas Pilipinas na nagtapos sa 85-81.

Nanguna para Gilas si Matthew Wright na may 23 points habang nagdagdan naman si June Mar Fajardo ng 20 puntos.

Bumida ang Indonesia’s trio ng naturalized players na sina Marques Bolden, Derric Xzavierro, at Abraham Grahita.

Nagkasya na lamang sa silver medal ang national squad na kauna-unahan simula noong 1989.

Leave a Reply

Your email address will not be published.