Aabot na sa 329 ang bilang ng aftershock na naitala ng Phivolcs matapos na yanigin ng Magnitude 6 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Kahapon, Pebrero 17 ay nasa 23 aftershocks na umano ang naramdaman ng mga residente.
Bunsod nito, tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang tsunami kasunod ng nasabing lindol pero nagpaalala ito na posible pa rin ang aftershocks sa mga susunod na araw.
Aniya pa, kahit na ang epicenter ng ng lindol ay nasa malayo sa pampang, walang mapanirang tsunami waves ang nabuo dahil walang nangyaring ‘vertical displacement’ ng seafloor.
Ang tsunami umano, ay kadalasang ginagawa ng mga lindol na nabuo ng mga aktibong trenches at offshore fault o fault na may vertical movements o mass movements na nauugnay sa ‘earthquake-induced landslides’ na malapit sa mga anyong tubig.
Paliwanag pa ng Phivolcs na nangyayari ang mga lindol sa Masbate dahil isa ito sa mga seismically active na rehiyon sa bansa at may aktibong fault na kinabibilangan ng Masbate at Sibuyan Sea Segnets of the Phil Fault, at mga potensyal na aktibong fault na kinabibilangan ng Uson Fault at Southern Masbate fault.
