Mahigit 300 alumni ng Daraga Community College, nakapasa sa isinagawang March 2023 LET

LEGAZPI CITY – Mahigit 300 na mga alumni mula sa Daraga Community College ang pumasa sa isinagawang March 2023 Licensure Examination for Teachers (LET).

Batay sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 356 ang kabuuang bilang ng mga pumasa sa nasabing institution, kung saan 199 rito ay sa elementary level at 157 naman sa secondary level.

Samantala, kung porsyento naman ang pag babasehan, sa elementary level ay nakakuha ito ng passing rate na 44.03% habang sa secondary level naman ay nakakuha ito 47.72%.

Sa ngayon, ipinagmamalaki nila itong total na bilang ng mga nakapasang mga alumni dahil malaking karangalan ito sa kanilang institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *