Mahigit 300 benepisyaryo ng SLP ng DSWD sa Virac at San Andres, Catanduanes, natanggap na ang kanilang cash assistance

BICOL—Nasa 327 mga benepisyaryo o mga Internally Displaced Persons mula sa bayan ng Virac at San Andres, Catanduanes ang nakatanggap kahapon ng cash assistance mula sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

Ang mga naturang benepisyaryo ng programa ay ang mga residente sa mga nasabing bayan na naapektuhan makaraang manalasa ang bagyong Rolly at Ulysses sa Catanduanes nitong nakaraang taon.

Nasa kabuuang P3,228,000 ang halaga ng pondong inilaan at ipinamahagi ng ahensya para sa nasabing programa.

Ito ay magsisilbing panimula ng mga benepisyaryo sa anumang kabuhayan na nais nilang simulan.

Samantala para naman sa mga nais na maging bahagi ng programa, inanunsiyo ng DSWS na mangyaring makipag ugnayan lamang sa Project Development Officer ng kanilang lugar.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *