Mahigit 300 eskwelahan  sa Camarines Norte apektado ng bagyong Paeng, lawak ng pinsala sa infrastructure abot sa mahigit kumulang P28 milyon

CAMARINES NORTE- Aaabot sa mahigit 300 eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte ang naapektuhan sa pananalasa ng bagong Paeng.

Batay ito sa radar reporting ng Department of Education na ibinahagi ni Division Disaster Risk Reduction and Management Officer Geronimo Burce sa programang DepEd Hour noong Sabado, November 5.

Ayon kay Burce aabot sa mahigit kumulang P28, 885, 000 ang halaga ng pinsala sa infrastructure at ito umano ay partial pa lamang.

Mayroon pa kasing pumapasok na report kaya posibleng madagdagan pa ang halaga ng pinsala o kaya ay mabawasan base sa ginagawang validation.

Wala namang naitalang tottaly damage classroom pero mayroong 27 nagtamo ng major  damage habang 169 naman ang nagtala ng minor damage.

May mga eskwelahan ding humiling ng Temporary Learning Spaces.

Bukod dito mayroon ding mga non- infrastructural damage kagaya ng mga mesa, upuan at  armchair sa mga eskwelahan.

Aabot sa 186 ang mga armchair na nasira sa buong Division.

Hindi bababa sa 20 set of computers din ang nasira ng bagyo.

Mayroon ding mga nasirang learning resources sa lalo na sa mga eskwelahan na inabot ng mataas na tubig.

Aabot naman sa 2, 382 learners ang nadala sa school evacuation centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *