Mahigit 300 magsasaka at mag-aaral mula sa Bicol at Northern Samar, nagsagawa ng lakbay-palay program sa lunsod ng Ligao, Albay

LEGAZPI CITY – Aabot sa 370 mga magsasaka at mag aaral mula sa Bicol At Northern Samar ang bumisita sa Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) Bicol sa Batang, Ligao City bilang bahagi ng Lakbay-Palay Program ng Department of Agriculture (DA) Bicol.

Ayon kay DA-PHILRICE Bicol Director Dr. Victoria Lapitan, ang nabanggit na programa ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at mga estudyante tungkol sa paggamit ng modern rice varieties gayundin ang inbred at hybrid technology na maaaring magamit sa kanilang sakahan upang mas mapataas ang kanilang ani at produkto.

Aniya, ninanais din ng ahensya na maipakita sa mga magsasaka ang iba’t ibang uri ng palay na magagamit sa kanilang mga sakahan at teknolohiya na magpapalaki ng kanilang ani habang binabawasan naman ang production cost.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng nasabing programa, matutulungan ang mga magsasaka sa pagpili ng angkop na rice varieties at machineries upang mas mapadali at maging epektibo ang kanilang pagtatanim.

Sinabi pa ng opisyal, matututo na ngayon ang magsasaka at mga estudyante sa mga bagong impormasyon o pamamaraan na makatutulong sa kanila na masangkapan at mapaghandaan ang kanilang mga diskarte sa pagsasaka ng palay sa pagsisimula ng tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *