Mahigit 300 MSME sa Bicol, dumalo sa E-catalog na isinusulong ng DTI sa bansa

LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang sa 300 mga Micro Small and Medium Enterprises (MSME) sa Bicol ang dumalo sa ginanap na Bicol MSME sa lunsod ng Legazpi na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, nais nitong magkaroon ng isang e-catalog sa buong bansa, kung saan naroroon na ang lahat ng mga negosyante kabilang na ang mga SMEs.

Aniya, ang gobyerno na umano ang isa sa pinakamalaking kliyente sa bansa at gumagawa raw sila ng paraan gaya ng isang batas na manduhan ang mga opisina ng gobyerno na bumili ng mga pangangailangan sa mga rehistradong negosyante o SMEs na magiging kabilang sa planong e-catalog.

Binigyan-diin din nito na ang kahalagahan ng digitalization na dapat masabayan ng mga MSMEs.

Batay din tala ng nasabing tanggapan, umaabot na sa 7,700 MSMEs sa rehiyon ang gumagamit na ng e-commerce sa kanilang pagnenegosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *