Kinumpirma ng opisina ng Bicol University President IV at Vice President for Academic Affairs na nasa mahigit 3,000 ang pumasa at naging kwalipikado sa College Entrance Test ng nasabing pamantasan.
May kabuuan itong bilang na 3,776 mula sa 19,523 na nagtake ng pagsusulit sa BUCET.
Ang mga pumasa ay mga papasok bilang freshmen para sa iba’t ibang undergraduate na programa na inaalok sa Bicol University.
Nasa 682 na mga mag-aaral ang nasa waitlisted habang ang pagpapalabas ng mga resulta para sa Doctor of Dental Medicine (DMD) ay ipinagpaliban hanggang sa makuha ng Bicol University ang pag-apruba ng CHED-CEB.
Hinihiling ng pamantasan sa mga nagtake ng DMD na maghintay para sa karagdagang abiso tungkol sa iskedyul sa pagkuha ng kinakailangang praktikal na pagsusuri.