Mahigit 3,000 peking ducks, naipamahagi na sa mga benepisyaryo sa Legazpi City mula Mayo 2022 – Marso 2023 ayon sa City Veterinary Office

LEGAZPI CITY – Aabot sa 3,000 na mga peking ducks ang naipamahagi ng Legazpi City Veterinary Office (CVO) sa 250 magsasaka at 12 ina ng mga children with special needs sa lunsod mula noong buwan ng Mayo 2022 hanggang ngayong Marso 2023.

Ayon kay City Veterinarian, Dr. Emmanuel Estipona, ang pamamahagi ng naturang mga hayop ay bahagi ng dispersal program ng lunsod na naglalayong dagdagan ang kita ng mga farmer beneficiaries.

Aniya, ang mga ipinamahaging peking ducks ay malaking tulong dahil maaaring makontrol o mabawasan ang pagkalat ng golden kuhol sa kanilang mga palayan at makatulong na mabawasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue.

Sinabi pa ni Estipona, ang mga peking duck meat ay mas malusog, masarap, malaki, at may mas mataas na demand sa mga Chinese restaurant kumpara sa ordinaryo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *