Mahigit 3,000 uniformed personnels, inilatag para sa seguridad sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon

LEGAZPI CITY – Umabot  sa mahigit 3,000 mga uniformed personnels ang inilatag upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa mga kalsadahan sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Bicol, kinabibilangan ito ng mahigit 2,000 mga tauhan ng kanilang tanggapan, mahigit 100 augmentations mula sa katuwang na mga ahensya, at mahigit 500 mula sa advocacy support groups.

Bukod pa rito, inactivate rin ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) nito upang i-deploy kung kinakailangan.

Layunin nitong siguruhin ang mapayapang pagpupulong at mga aktibidad ng mga grupong manggagawa sa rehiyon.

Nagpaalala naman si PNP Bicol Regional Director, PBGen. Westrimundo Obinque na ang lahat ng mga tauhan ay dapat na magkaroon ng maximum tolerance sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang paggalang sa karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag ng mga tao.

Samantala, nagpapatupad din ang yunit ng strategic plan sa kanilang police operations upang masakop ang traffic management, civil disturbance management, anti-criminality, insurgency, at emergency response na kailangan sa pagtiyak ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng pagdiriwang kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *