Mahigit 30,000 na pirma, nalikom bilang suporta sa open pit mining ban sa So.Cot

KORONADAL CITY- NAKALIKOM ng mahigit 30,000 na pirma ang signature campaign ng Diocese of Marbel bilang suporta sa Environment Code ng South Cotabato at pagpapanatili sa ban sa open pit mining sa lalawigan.

Ang naturang mga lagda na nalikom mula sa mga GKK, parokya at iba pang support groups ay isusumite ng Diocese sa Sangguniang Panlalawigan (SP) sa Lunes, October 4.

Maliban dito, may gaganapin ding misa, press conference at solidarity walk na magsisimula sa NDMU main gate patungong compound ng SP.

Hinihikayat naman ang mga lalahok na magsuot ng face mask, face shield, at sumunod sa physical distancing.

Ang naturang mga aktibidad ay pangungunahan ni Bishop Cerilo Casicas kasama ang NDMU Community, parishioners at iba pang support groups.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *