Mahigit 327,000 violators, naitala ng PNP sa ilalim ng MECQ sa Metro Manila

Nakapagtala ng 327,651 violators ang Philippine national Police (PNP) sa kasagsagan ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula August 21 hanggang September 15 sa Metro Manila.

Ayon sa PNP, ang 224,626 rito ay nahuling lumabag sa minimum public health standards, 87,729 naman ang lumabag sa curfew, at 15,296 ang mga hindi awtorisadong lumabas ng kanilang tahanan.

Nasa 12,602 violators umano ang naiiulat ng PNP kada araw.

Pinaalalahanan naman ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang publiko na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *