Mahigit 35 thousand na batang edad 9-59 mos, target mabakunahan sa Angeles kontra rubella at measles

Nagsimula na rin ang Angeles city sa pagsasagawa ng house to house vaccination laban sa measles at rubella.

Pinangunahan ni Angeles City mayor Pogi Lazatin ang pagbabakuna, kasama ang mga taga City Health Office.

Nasa 35, 058 na nag eedad 9 to 59 months ang target mabakunahan sa Angeles laban sa rubella at measles, habang nasa 41, 010 naman na nag eedad 0-59 months ang target mabigyan ng Oral Poliovirus Vaccine.

Ang bakunahan ay bahagi ng programa ng Department of Health na Chikiting Ligtas, na ipinatutupad sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *