Mahigit 350 na mga LGUs – makatatanggap ng P2Billion incentives para sa good governance

Aabot sa halos P2Billion ang kabuoang halaga ng incentives na ipnagkaloob ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 352 na mga local government units (LGUs) matapos nilang makuha ang 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG).

Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang naturang programa kung saan – gagamitin ang P1.961Billion na pondo para mapondohan ang iba’t ibang mga development projects ng mga LGUs.

Kinilala ni Abalos ang naging maayos na pamamahala ng mga LGUs lalo na’t nahaharap ang mga ito sa mga hamon ng post-pandemic recovery.

Umaasa aniya ang Kalihim na mababago na ang kultura sa mga LGUs na pagiging kampante dahil nakatanggap na ng award.

Sabi ni Abalos, hindi dapat tumigil ang mga innovations sa mga lokal na pamahalaan para sa mas mahusay na lingkod-bayan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Kabilang sa mga nakatanggap ng SGLG ngayong taon ay 18 mga lalawigan, 60 na mga siyudad, at 274 na mga minisipalidad.

P9.5Million ang matatanggap ng mga lalawigan; habang may P7Million naman para sa mga cities; at P5Million para sa mga municipalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *