Mahigit tatlong libong mga livestock animals ang rehistrado o insured na sa Philippine Crop Insurance Corporation (PGIG) sa bayan ng Pilar, Sorsogon.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, kabuuang 3,327 na mga livestock animals ang rehistrado na pagmamay-ari ng 350 na mga magsasaka sa bayan.
Nasa 7,242.7 ektaryang lupain naman na natatamnan ng ibat-ibang uri ng crops, mais at palay na sinasaka ng 3,064 na mga magsasaka ang rehistrado o insured rin sa PCIC.
Malaking tuwang ito sa mga magsasaka lalong-lalo na ang madalas maapektuhan ng mga kalamidad na nagiging dahilan ng kanilang pagkalugi at pagkabaon sa utang ng mga magsasaka.
Samantala, mahigit 3,290 bags naman na in-breed certified seeds ang naipamahagi ng Pamahalaang Bayan sa 1,198 na mga magsasaka mula sa ibat-ibang barangay.
Marami pa umanong ilulunsad na mga programa ang LGU para sa mga magsasaka sa mga susunod na buwan.
