Mahigit 3k na residente sa Daraga Albay nabakunahan na ng Covid-19 Vaccine

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit sa 3K na residente ang nabigyan na ng unang dose ng sinuvac at astrazeneca vaccine sa bayan ng Daraga lalawigan ng Albay mula noong Abril 16 hanggang buwan ng Hulyo 2 ng kasalukuyang taon.

Base sa record ng Municipal Health Office, nasa 3, 118 ang nabakunahan na ng nasabing bakuna mula sa A1 hanggang A3 priority group.

Sa A1 nakapagtala lamang ng 1, 165, A2 – 1, 576 at A3 -377 habang sa nabakunahan na ng second dose, pumalo lamang ito sa 751.

Aabot sa 323 ang naturukan sa A1, A2 409, A3-19.

Ayon naman kay Virgie Barrun ang Nurse II ng Municipal Health Office (MHO) ng Daraga, babakunahan na rin sa second dose ang mga natira sa 1st dose ng sinuvac sa darating na Hulyo 19 hanggang 22 ng kasalukuyang taon.

Aniya, aabot pa sa mahigit sa 2k ang inaasahang mababakunahan sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *