Mahigit 400 na rice retailers sa QC, nakatanggap ng cash aid mula sa DSWD

Nakatanggap na ng cash aid na nagkakahalagang P15,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit apat na raang rice retailer sa Commonwealth Public Market.

Ang pagbabahagi ng nasabing ayuda ay pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Department of Agriculture Undersecretary, Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon sa DSWD, naglaan sila ng mahigit anim na milyong pisong pondo para sa lahat ng mga rice retailers na makakapasa sa verification at profiling.

Maliban pa roon, nagbukas din ang mga ito ng grievance and information desk para sa mga rice retailers na may katanungan o reklamo kung bakit hindi sila nasama sa listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *