NASAWI ang 43 na katao habang 150 ang naaresto matapos ang sagupaan sa kilos-protesta kontra UN’s Stabilization Mission (MONUSCO) sa Silangan ng Democratic Republic ng Congo.
Ayon sa pahayag ni Ravina Shamdasani, spokesperson ng UN High Commissioner for Human Rights, binigyan ng karapatan ang lahat na ihayag ang kanilang sarili nang matiwasay kaya’t pananagutin ang mga responsable sa madugong tunggalian na nangyari sa pagitan ng mga security forces at mga protesters.
Panawagan pa niya na maging patas ang pagbubukas ng imbestigasyon para mas detalyadong malaman ang tunay na may sala sa nasabing insidente. ###JOHNOAH MAE A. ZEPEDA