Mahigit 459,000 na mga bata sa Naga at Camarines Sur target sa  Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)

NAGA CITY- Pormal nang binuksan sa Camarines Sur ang Measles Rubella – Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) 2023 ng Department of Health Bicol.

Sa tala ng DOH aabot sa 459,854 ang babakunahan at papatakan laban sa naturang mga sakit.

Sa measles Rubella ay 191,059 at sa polio naman ay 222,578 sa Camarines Sur.  Mayroon namang 21,322 sa measles rubella sa Naga at 24,895 ang target nakatanggap ng oral polio vaccine.

Ipinabatid sa mga magulang ni National Immunization Program (NIP) Regional Medical Coordinator Dr. Desiree Bricenio, ang tamang bilang ng bakuna na batid din ng mga health care workers.

Noong 2022 walang kaso ng Polio at dapat aniya itong mapanatili. Nakukuha nag polio virus sa dumi ng tao. Kung kontiminado ng virus ang isang bagay pwede itong maipasa sa bata.  Umaatake sa Spinal Cord at muscle nerves, paaa ang unang naapektuhan at pataas ang impeksyon. Ang komplikasyon ay maaaring ikamatay lalo na sa mga edad na mas mababa sa limang taon.

Sa Rubella naman o tigdas hangin , nakukuha ito ng bata mula sa laway o sa ubo. Delikado rin ang mga buntis na mahahawa, puwedeng makunan o kaya mayroong depekto ang bata tula dng pagkabingi.  Halos kapareho rin ng Measles o tigdas kung saan makukuha, nagdudulot ng pantal-pantal, ubo  at sipon. Aakalain na hindi naman matinding sakit pero puwede rin itong magdala ng komplikasyon gaya ng pneumonia, pagkabulag at iba pa.

Dapat aniya fully immunized para buo rin  ang proteksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *