Mahigit 460 kumukuha ng Bar Exam sa Naga City

NAGA CITY – Mahigpit ang pagbabantay ng Naga City Police Office  at mga katuwang na opisina sa palibot ng University of Nueva Caceres ngayong araw , ito’y kaugnay ng nangyayaring Bar Exams.

Nasa 465 ang total na bilang nang mga kumuha ng nasabing eksaminasyon na nagsimula kaninang 7:00 ng umaga.

Ilang mga kalsada na malapit sa pinag-dadausan ng eksaminasyon ang isinara upang maiwasan ang anumang kaguluhan o ingay na magdadala ng pagka-gambala sa mga examinees.

Ayon kay PSMS Toby Bongon ang tagapagsalita ng NCPO, aabot sa 200 mga PNP Personnel ang nakalatag sa lugar upang masigurong tahimik ang ginagawang pagsusulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *