Mahigit 4M na halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa iba’t ibang panig ng rehiyong Bicol

BNFM BICOL – UMABOT sa mahigit apat na milyong piso ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska ng pamunuan ng Police Regional Office 5 sa ikinasang magkakahiwalang na operation sa rehiyon noong Hunyo.

Nanguna rito ang Camarines Sur kung saan umabot sa mahigit 1.7 million pesos ang halaga ng nakumpiskang droga, sinundan ng Albay sa mahigit 1.4 million, sumunod Camarines, Masbate at Naga City habang wala namang naidokumntong drug activity sa mga probinsya ng Sorsogon at Catanduanes sa nasabing peryodo.

Samantala, tinataya namang aabot sa halos anim naraang gramo ng shabu ang nakumpiska at mahigit 91 gramo ngmarijuana. Sa 101 na ikinasang operasyon, 95 na drug violators ang na aresto, 30 rito ay pawing mga high-value individuals at 65 naman ang street-level individuals. ### Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *