Mahigit 50 indibiwal biktima ng baha at landslide sa Barangay San Jose, Koronadal

KORONADAL CITY- MAHIGIT 50 mga indibidwal ang biktima ng mga pagbaha at landslide sa Barangay San Jose, Koronadal City kagabi dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Kabilang sa nasabing mga biktima ang anim na pamilya mula sa Purok Upper Kadidang na kinabibilangan ng dalawang totally damaged dahil sa landslide habang 11 naman ang binaha sa Purok Riverside ng barangay.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Rosemary Montebano, ikinagulat umano nila ang malakas na rumaragasang tubig na may dalang malalaking mga bato at putik sa kanilang bahay.

Dagdag pa ni Montebano, na tinangay pa umano ito ng malakas na tubig baha kasama ang kanyang apo bago ito nasakluluhan ng kanyang mga kapitbahay.

Nagtulungan rin umano ang ilang mga residente upang makuha ang dalawa pa nitong mga anak na na-trap sa loob ng bahay dahil sa malim na putik.

Dahil sa kalamidad natangay rin umano ang kanilang mga kagamitan katulad ng tv, refrigerator, dalawang motorsiklo at iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *