Mahigit 50 na rebel returnees mula Sorsogon at Albay, iprinesenta ng 903rd Brigade

Iprinesenta ng 903rd Brigade ang 54 na rebel returnees sa lisang simpleng seremonya sa loob ng Punong Himpilan ng 903rd Brigade sa Brgy San Rafael, Castilla, Sorsogon.

Nagmula ang mga FRs  sa dalawang lalawigan kung saan ang 32 dito ay mula sa Sorsogon habang ang 22 ay mula sa lalawigan ng Albay.

Nabibilang ang mga ito sa โ€˜white areaโ€™ ng CPP kung saan ang apat dito ay mga opisyal na kinabibilangan ng Secretary General ng ACT Bicol, Chairman ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Albay, Chairman ng KADAMAY Albay at Chairman ng Gabriela Albay.

Bukod sa presentation of FRs, iprinesenta rin ang mga nakumpiska at isinauling ibat-ibang uri ng mga armas at IEDs.

Nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang mga representatives ng dalawang gobernador ng lalawigan, representatives ng dalawang Police Directors at ang commander ng 903rd Brigade na si BGen Aldwine Almase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *