Mahigit 500 CDC employee, nababawasan ang sahod ng halos limang libong piso kada-buwan dahil sa implementasyon ng CPCS

Patuloy ang pag-alma ng Association of CDC Concerned Employees o ACCES sa implementasyon ng Compensation and Position Classification System o CPCS ngayong taon.

Ayon kay ACCES President Edsel Manalili, aabot sa 551 na empleyado ng CDC ang nawalan ng halos limang libong piso sa kanilang sahod dahil sa nabawasang allowances at benefits kada-buwan.

Kabilang sa mga nawala ang annual benefit, retirement benefits, at ang health benefits.

Ang implementasyon ng CPCS ay batay sa inilabas ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporation o GCG noon pang June 22, 2022 alinsunod sa Executive order no 150 na nag re-repeal sa EO 203 series of 206.

Samatala, ipinarating na ng grupo ang reklamong ito sa Malacañang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *