Mahigit 500K indibidwal sa Albay, fully vaccinated na laban sa COVID-19 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Naitala sa lalawigan ng Albay ang 517,248 fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ayon sa Department of Health (Bicol).

Batay sa vaccination updates ng naturang kagawaran ngayong linggo, ang nasabing bilang ay katumbas ng 78.93%.

Sa parehong datos, mahigit 150K indibidwal naman ang fully vaccinated na sa Legazpi City, at mahigit 90K naman sa Tabaco City. Sa kabuuan, 82.50% na ang mga fully vaccinated sa Bicol region.

Samantala, unti-unti na naman ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, kaya’t paalala ng DOH Bicol na magpabakuna na at magpa-booster.

Leave a Reply

Your email address will not be published.