Mahigit 600 family food packs, ipinamahagi ng DSWD Bicol sa mga naapektuhan ng malalakas na pag-ulan dahil sa epekto ng shear line

Umabot sa mahigit 600 na family food packs (FFPs) ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga residente o populasyong naapektuhan ng shear line.

Ito ay binubuo ng anim na raan at labingsiyam na FFPs na nagkakahalagang mahigit tatlong daang libumpiso.

Dagdag pa nito, nagbigay din ang nabanggit na ahensya ng isang daan at limampung hygiene kits na may kabuuang halaga na umabot sa mahigit dalawang daang libumpiso.

Sa kabuuhan, mahigit sa anim na raang libumpisong halaga ang nailaan ng ahensya para sa mga naapektuhan.

Maliban pa rito, ang mga lokal na pamahalaan naman ay nakapagbigay din ng mga relief assistance sa mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng food items na aabot sa halagang isang daang libumpiso, samantalang may ilang mga pribadong korporasyon din naman ang nakapagbigay ng karagdagang food packs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *