SAN MARCELINO-Tumanggap ng tig tatlong libong piso ang mahigit 600 na mga senior citizen sa bayan ng San Marcelino, Zambales.
Ito ay tulong galing sa Department Of Social Welfare And Development o DSWD Region 3 para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Nitong nakalipas na martes ay June 22 ay tinanggap na ito ng mga senior citizen para makadagdag sa mga ginagastos sa pangaraw-araw lalo na ang mga pambili ng gamot.
Matatandaan sa ilalim ng Expanded Senior Citizen Act 2010 ang mga eligible na senior citizen ay makakatanggap ng tig 500 kada buwan para sa kanilang medical at iba pang pangangailangan sa buhay.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: San Marcelino Public Information Office