Mahigit 6M halaga ng wood chips ng endangered Agarwood nakumpiska sa checkpoint

SORSOGON CITY – Nakumpiska ng personahe ng Juban Police ang tatlong plastic bag na naglalaman ng mga wood chips ng Agarwood habang nagsasagawa ang mga ito ng checkpoint sa Brgy Taboc, Juban, Sorsogon.

Kinilala ang mga suspek na sina Chloe Greg Acibo Matunog, 19-anyos, estudyante, naninirahan sa Brgy Balagawad, Silago, Leyte at ang 20-anyos na si Leo Peregrino Bergh, may asawa, estudyante, residente ng New Tanigue, Abuyog, Leyte.

Sa panayam ng Brigada News sa hepe ng Juban Police na si PLt Jonathan Hapa, sinabi nito na nagkataon lamang na napansin nila ang mga plastic bag sa posesyon ng mg suspek na kanilang natiketan dahil sa pagmamaneho ng driver ng motorsiklo na walang lisensya at OR/CR.

Sa certification na ipinalabas ng DENR-Monitoring and Enforcement Section na pirmado ng pinuno nito na si Freddie Dulpina, aabot sa 0.75 kilograms ang nakumpiska sa mga suspek.

Kabuuang halaga na P6, 187,500.00 ang Agarwood na kinuha sa puno ng Lapnisan. Narekober din sa mga suspek ang isang yunit ng weighing scale.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Act of 2002.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *