CAMARINES NORTE- Umaabot sa 7, 626 na mga bata sa lalawigan ng Camarines Norte ang nakapagpatala na sa elementarya at sekundarya sa nagpapatuloy na Early Registration para sa School Year 2023-2024.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) Camarines Norte pinakamarami ang total enrollment sa Grade 1 na nasa 3, 474 at Kinder na nasa 1, 417.
Mayroon namang 1, 391 sa Grade 11 at 1, 344 sa Grade 7.
Matatandaan na sinimulan ng DepEd ang early registration para sa incoming kindergarten, Grades 1, 7 at 11 learners sa public schools sa buong bansa para sa susunod na Academic Year noong May 10 na tatagal ng hanggang June 9, 2023.
Ayon sa departamento importante na magpre-register o makilahok ng enrollees sa kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa early registration para makapaghanda ang ahensya ng mga plano para sa School Year 2023-2024.
Ikinukunsidera nang pre-registered ang incoming Grades 2, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 10 at 12 learners mula sa public schools.
